Inilunsad ng OpenAI ang “Dots,” mga always-on AI agent na kayang gumawa ng tasks para sa user na hindi na kinakailangang patuloy na gabayan.
Ayon sa OpenAI, gumagamit ang Dots ng GPT-6 Astra at may sariling cloud computer at browser. Maaari itong magsagawa ng recurring tasks, mag-follow up sa trabaho, at gumamit ng mga tool para magsaliksik, magsuri ng datos, gumawa ng dokumento, at bumuo ng software.
May mga safety control din ang Dots kung saan maaaring magtakda ang user kung anong tasks ang maaari nitong gawin at kung kailan sila dapat humingi ng pahintulot.
Kasama sa paglulunsad nito ang pagharap ng OpenAI sa mga isyu sa seguridad ng autonomous AI matapos i-shelf ang isang mas bagong modelo dahil sa concerns sa safety at alignment.


