Rumagasa ang flash flood sa ilog sa Barangay Balangasan, Pagadian City, sa Zamboanga Del Sur bandang 12:00 ng tanghali nitong Huwebes, Setyembre 24, kasunod ng malakas na buhos ng ulan.
Samu't-saring mga basura ang naanod ng flash flood.
Humupa ang baha bandang 2:00 ng hapon matapos tumigil ang ulan.

