Sinabi ni Sen. Alan Peter Cayetano na dadalo ang minority bloc sa impeachment trial sa Lunes, Setyembre 28.
Kasunod ito ng hindi nila pagsipot sa ikalawang bahagi ng paglilitis noong Miyerkules kung saan pinagbotohan ang voting threshold upang hatulan si Vice President Sara Duterte.

