Maagang nagbow-out ang Pinay tennis superstar na si Alex Eala sa Singapore Tennis Open matapos siyang talunin ni World No. 189 Tatiana Prozorova, 6-4, 5-7, 3-6.
Nakuha ni Eala ang unang set, ngunit nakabawi si Prozorova sa sumunod na dalawang set para makuha ang panalo.
Gayunpaman, tututok naman si Eala sa kaniyang pagsabak sa Asian Games bilang kinatawan ng Pilipinas.


