THERE'S NO MAJORITY AND MINORITY IN THE IMPEACHMENT COURT
Sinabi ni Senador Alan Peter Cayetano na pagdating sa impeachment court, wala umanong minority o majority. Tugon ito ng senador nang tanungin kung mananatili sa minority si Sen. Mark Villar matapos nitong bumoto pabor sa pagbaba ng vote threshold ng impeachment.
Hangad pa rin aniya ni Cayetano na muling mabuo ang grupo ng minority senators kahit batid nitong ang ilan nilang miyembro ay may mga kinakaharap na sulinarin.

