NO FUNDS WERE LOST
Nilinaw ng Office of the Vice President (OVP) na ang binanggit sa Disaster Risk Reduction Management (DRRM) Funds Audit Report ay nauukol sa mga kakulangan sa ilang partikular na "pre-operation" documentary requirements na itinakda mismo ng OVP bilang bahagi ng mga internal na pamamaraan nito, at hindi mga kinakailangan na ipinataw ng anumang batas o regulasyon ng Commission on Audit (COA).
Anila, walang mga pondong nawala. Gayundin, ang relief operations ay aktuwal na isinagawa, at ang mga benepisyaryo ay naitala at na-validate batay sa mga available na supporting documents at field records na isinumite sa COA Audit Team.


