Sapul sa dash cam ang pagharurot ng pitong tricycle sa isang stoplight sa Quezon City noong Linggo, Setyembre 27, pasado alas-2 ng madaling araw.
Ayon sa uploader, tumagal nang halos dalawang minuto ang tila karerahan ng mga tricycle. Wala ring nakitang body number at plate number sa mga ito.
Sa paunang pagsusuri ng Land Transportation Office (LTO), posibleng sangkot sa drag racing ang mga tricycle driver. Ipinag-utos na rin ng ahensya ang pagtunton sa mga driver na maaaring maharap sa suspensyon ng lisensya at pag-impound ng kanilang mga tricycle. | via Jim Tejano
📹 Contributed


