Isa ang nasawi habang apat ang sugatan matapos salpukin ng bus ang isang tricycle sa Provincial Road sa Barangay Palsahingin, San Pascual, Batangas nitong Sabado ng tanghali, Setyembre 26.
Ayon sa paunang ulat ng Batangas Provincial Police Office, huminto sa gilid ng kalsada ang tricycle upang magsakay ng pasahero nang salpukin ito ng bus. Nasawi ang isa sa mga pasahero, habang sugatan naman ang tatlong iba pang pasahero at driver ng tricycle.
Agad na dinala sa pagamutan ang mga sugatan. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang buong detalye ng insidente.
: Batangas PPO



