Nasawi sa Israeli airstrike sa Gaza City, Palestine ang lider ng armed wing ng Hamas na si Izz al-Din Al-Beik, ayon sa Israeli at Palestinian officials nitong Martes, Setyembre 29. Kinumpirma rin ng Hamas ang kaniyang pagkamatay.
Tinamaan ng airstrike ang isang apartment building sa Nasr neighborhood. Ayon sa health officials, isang indibidwal pa ang namatay dahil sa mga tinamong sugat. Sinabi naman ng Israel na target nito si Al-Beik dahil umano sa pagpaplano ng mga pag-atake at pagrerecruit ng mga militanteng Hamas.
Samantala, iniulat din ang magkahiwalay na airstrike sa Jabalia refugee camp na ikinasawi ng iba pang mga Palestinian. Patuloy ang palitan ng akusasyon ng Israel at Hamas kaugnay ng mga paglabag sa kasunduang tigil-putukan.
📸: Asharq Al-Awsat


