Sumiklab ang sunog sa isang gas pipeline sa pagitan ng Al-Shola at Deir Al-Zour sa Syria nitong Lunes ng gabi, Setyembre 28, matapos ang pagsabog sa isang isolation valve.
Ayon sa state petroleum company ng Syria, posibleng sabotage ang sanhi ng pagsabog. Dahil sa sunog, pansamantalang naputol ang daloy ng gas mula sa Jbeissa gas plant patungo sa mga power-generation station.
Agad namang kinordon ng mga bumbero ang magkabilang bahagi ng lugar habang isinasagawa ang pag-apula sa apoy. Patuloy ding bumababa ang pressure ng gas sa pipeline habang isinasagawa ang operasyon.