Nasawi ang isang babae habang kritikal ang kondisyon ng kaniyang asawa matapos silang pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay sa Purok Masagana, Barangay Laguinding, Esperanza, Sultan Kudarat, pasado 5:00 ng hapon nitong Lunes, Setyembre 28.
Ayon sa Esperanza Municipal Police Station, idineklarang dead on arrival sa ospital ang babae at kritikal naman ang kondisyon ng kaniyang asawa.
Ayon sa paunang ulat ng pulisya, sakay ng isang gray sedan ang apat na lalaking suspek. Isa umano sa kanila ay nakasuot ng black jersey jacket at may dalang armas.
Nagsagawa na ng hot pursuit operation ang mga awtoridad habang patuloy ang imbestigasyon para matukoy ang mga suspek at motibo sa pamamaril. | via Jannice Ann Cabaña

