PAMILYANG PALESTINIAN, HINARANG NG 100 ISRAELI SETTLERS
Hinarang ng mahigit 100 Israeli settlers ang pag-uwi ng isang Palestinian family sa kanilang bahay sa Jalud sa West Bank matapos sumiklab ang kaguluhan at sunog ngayong Martes, Setyembre 29.
Ayon sa Israeli military, sinunog ng mga settler ang ilang bahay, istruktura, at sasakyan at naghagis ng mga bato sa security forces. Tatlong Border Police officers ang bahagyang nasugatan, habang nailikas ng mga sundalo ang pamilya sakay ng military vehicle.
Nagsagawa naman ng operasyon ang Israeli military at pulisya upang maibalik ang pamilya sa kanilang tahanan alinsunod sa utos ng korte. Tatlong katao na rin ang iniulat na naaresto kaugnay ng kaguluhan.
