L300 NA MAY MGA SAKAY NA PASAHERO, NASUNOG.
Nag-panic at nag-unahang bumaba ang mga pasahero ng isang L300 van matapos biglang sumiklab ang apoy sa sasakyan habang bumabagtas sa Davao–Bukidnon Road sa Quarry, Barangay Tugbok, Davao City, kaninang Miyerkules umaga, Setyembre 30.
Ayon sa isa sa mga pasahero, puno ang van na galing sa Calinan nang makaamoy sila ng tila may nasusunog kasabay ng usok na nanggagaling sa ilalim ng upuan ng driver. Mabilis silang bumaba para makalayo sa nasusunog na sasakyan.
Ligtas naman ang lahat ng pasahero at walang naitalang nasugatan sa insidente. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng sunog. | via Caryll Alvizo
📽️: Angel Mae Yap


