Iniulat ng Commission on Audit (COA) na mahigit ₱700 milyon sa fuel subsidy ng Department of Transportation (DOTr) ang hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo, batay sa 2025 annual audit report.
Sa ₱709.88 milyong hindi naipamahagi, ₱179.96 milyon ang naproseso ngunit hindi na-credit sa bank accounts ng mga benepisyaryo, kabilang ang ₱120 milyon para sa mga tricycle driver.
May ₱1.589 milyon din na na-disburse ngunit na-reject dahil sa mga problema sa bank transactions gaya ng maling account number o hindi tugmang pangalan.
Sinabi rin ng LTFRB na nag-expire na ang naturang pondo matapos ang itinakdang dalawang taon at naibalik na sa national treasury ang hindi nagamit na halaga.
📸: PNA

