Maaaring ibaba sa 44 cubic meters per second (cms) ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila ngayong Oktubre dahil sa banta ng matinding El Niño, ayon sa National Water Resources Board (NWRB).
Mas mababa ito sa karaniwang 50 hanggang 53 cms na alokasyon. Patuloy namang mino-monitor ng NWRB ang lebel at supply ng tubig kasunod ng babala ng PAGASA na maaaring tumagal ang El Niño hanggang Marso o Hunyo 2027.


