MOTOR TANKER, NASUNOG
Sumiklab ang sunog sa motor tanker na MTKR GINDARA habang nasa Balayan Distillery Inc. Port sa Barangay Talisay, Calaca City, Batangas nitong Miyerkules ng gabi, Setyembre 30.
Ayon sa ulat, agad na rumesponde ang mga awtoridad at isang lokal na tugboat upang apulahin ang apoy na sumiklab sa engine room.
May 22 crew members ang tanker na may kargang molasses. Ligtas ang 20 katao, habang dalawang crew member ang nagtamo ng inhalational injury at isinugod sa ospital. Nakalabas na rin ang dalawa kalaunan.
Patuloy naman ang pagtugon ng mga awtoridad sa insidente habang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog. | via Emmar Dela Vega

