Nabalot ng takot ang mga pasahero ng isang Flydubai plane matapos ang tangkang pagha-hijack sa flight nito mula Dubai patungong Tel Aviv noong Setyembre 30.
Maririnig sa video na umiiyak ang ilang pasahero habang hindi alam ang nangyayari. Sa cockpit, sinaksak umano ng co-pilot ang captain gamit ang kutsilyo, bago siya napigilan ng ilang mga pasahero at crew.

