Naghahanda ang Land Transportation Office (LTO) ng memorandum order na magpapahintulot sa pagbawi ng driver’s license ng mga motoristang masasangkot sa mga insidenteng may paglabag sa pedestrian lane rules.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao, hakbang ito kasunod ng mga insidenteng may namamatay na pedestrian habang tumatawid sa mga itinalagang tamang tawiran.
May mga motorista rin umanong nahuhuling hindi nagbibigay-daan sa mga pedestrian.



