"TULFO: PALPAK MGA WITNESS NG PROSEKUSYON"
Pinuna ni Senator-judge Raffy Tulfo ang House prosecution panel dahil umano sa hindi maayos na pagpili at presentasyon ng mga witness sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Sen. Tulfo, may mga witness umanong hindi naman kailangan at nasasayang lamang ang oras. Binanggit din ni Tulfo na may abogado pang nagpapa-cute lang habang kinakausap ang witness na pulis. Dagdag pa ng senator-judge na may ilang senador na inaantok o lumalabas ng session hall dahil wala umanong mahalagang naitutulong ang ilang testigo sa imbestigasyon.
Hinimok ni Sen. Tulfo ang prosecution panel na tiyaking may mahalagang impormasyon ang kanilang mga isinasalang na witness at maging maingat din sa pagpili ng mga abogado na humaharap sa impeachment court.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: https://www.youtube.com/watch?v=rFpE1aFUq0k

