Nanguna ang Kuala Lumpur, Malaysia sa listahan ng mga pangunahing lungsod sa mundo na may pinakamalalang polusyon nitong Miyerkules, Setymbre 30. Pumangatlo naman ang Singapore dahil sa makapal na haze na nagmumula umano sa mga wildfire sa Indonesia.
Batay sa Swiss air quality monitor na IQAir, umabot sa 166 ang Air Quality Index (AQI) sa Kuala Lumpur at 155 naman sa Singapore. Itinuturing na unhealthy ang AQI na lampas 150, habang hazardous naman ang higit 300.
Mahigit isang buwan nang nababalot ng haze ang dalawang lungsod matapos tangayin ng hangin ang usok mula sa mga sunog sa Borneo at Sumatra.
Ayon sa ulat, pinalala ng tuyo at mainit na kondisyon ng El Niño ang mga sunog sa Indonesia, na iniuugnay rin sa land clearing.


