Kinumpirma ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na may insidente ng tangkang hijacking sa isang eroplano galing Dubai patungong Israel.
Ayon kay Netanyahu, sinaksak umano ng isang piloto ang kapwa nito piloto at sinubukang pabagsakin ang eroplano, dahilan para mag-reroute at mag-landing sa Saudi Arabia.
Napigilan siya ng ilang pasahero at crew na nakapasok sa cockpit.
Ligtas namang nakapag-landing ang eroplano sa Tabuk Airport, Saudi Arabia, at naaresto ang pilotong umano’y nanaksak.
