Naglabas ang Commission on Elections (Comelec) ng 16 subpoena kaugnay ng mga pre-shaded na balotang natagpuan sa Maluso, Basilan, noong unang parliamentary election sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Kabilang sa pinadalhan ng subpoena ang election officer, mayor, treasurer at hepe ng pulisya ng Maluso, gayundin ang provincial police commander at ilang kawani ng lokal na pamahalaan.
Ayon sa Comelec, layunin ng mga subpoena na mabigyan ng pagkakataon ang mga pinadalhan nito na ipaliwanag ang kanilang panig at hindi nangangahulugang inaakusahan sila sa insidente.
Matatandaang umabot sa 16,000 balota ang umano’y nabago sa 36 na presinto sa Maluso.
📷: Comelec



