Nasawi ang isang tricycle driver matapos umanong pagtatagain ng isang nag-aamok na lalaki sa Barangay Villa Victoria, Gumaca, Quezon nitong Martes ng hapon, Setyembre 29.
Ayon sa Gumaca Municipal Police Station, minamaneho ng biktima ang kaniyang tricycle mula Barangay Manlayaan patungong M.H. Del Pilar nang bigla umano siyang atakihin ng suspek na may dalang samurai. Matindi ang mga tinamong sugat ng biktima sa leeg, braso, at kamay.
Bago ang insidente, nabigo rin umanong atakihin ng suspek ang naunang tricycle driver na mabilis na nakatakas. Kinilala ang suspek sa alyas na “Mercedito,” 46-anyos, na patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad. | via Martin Banaag
📷: Gumaca MPS



