2 SUGATAN MATAPOS GUMUHO ANG 2-PALAPAG NA BAHAY SA BINONDO.
Dalawa ang sugatan matapos gumuho ang isang dalawang-palapag na bahay sa Sevilla St., Brgy. 272, San Nicolas, Binondo, Manila, dakong 8:45 ngayong gabi.
Kabilang sa mga sugatan ang 13-anyos na lalaki at 29-anyos na babae na bumibili sa lugar nang mangyari ang insidente.
Patuloy pang inaalam ang sanhi ng pagguho. | Via Jim Tejano

