Iginiit ni lead defense counsel Atty. Sheila Sison na hindi pa natatanggap ng kanilang kampo ang mga dokumentong binanggit ng House prosecution kaugnay ng mga summary mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) witness sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Sison, wala silang natanggap na kopya sa email mula sa AMLC o prosecution at wala rin umanong naibigay na hard copies. Aniya, unang pagkakataon nilang narinig ang tungkol sa mga naturang summary.
Nauna nang itinakda ng impeachment court na maunang iharap ng prosecution ang AMLC witness o mga kaugnay na bank records bago ang inaasahang testimonya ni dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV.


