Arestado ang isang 35-anyos na lalaki matapos umanong mahulihan ng pinaghihinalaang shabu sa isang buy-bust operation ng pulisya sa Bamban, Tarlac.
Ayon sa pulisya, nahuli ang suspek habang inaabot ang isang maliit na plastic sachet na naglalaman umano ng crystalline substance sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.
Tinatayang 0.58 gramo ang timbang ng nakumpiskang hinihinalang shabu na may estimated market value na ₱3,944, kasama ang marked money na isang ₱1,000 bill.
Kasalukuyang nakadetine ang suspek sa lock-up cell ng Bamban MPS habang inihahanda ang kasong paglabag sa Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | via Sandrix Lico
📷: Mr. Fred Fausto



