Pansamantalang sarado sa mga motorista ang Baguio-Bontoc Road matapos gumuho ang lupa sa bahagi ng Amlosong, Botoc Ili, Bontoc, Mountain Province.
Ayon sa Mountain Province Police Provincial Office, naganap ang landslide bandang 4:30 ng hapon nitong Huwebes, Oktubre 1. Hindi passable sa lahat ng uri ng sasakyan ang lugar habang isinasagawa ang clearing operations.
Pinapayuhan naman ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta.
📹: PNP Mountain Province Police Provincial Office/Facebook

