Napaatras ng BRP Teresa Magbanua ang Chinese research vessel na Jia Hai Ke 7 sa karagatan ng Itbayat, Batanes nitong Huwebes, Oktubre 1.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), unang namataan ang naturang barko sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas noong Lunes, Setyembre 28.
Agad na ipinadala ang BRP Teresa Magbanua at PCG Islander 251 upang sitahin ang barko dahil sa umano’y ilegal na aktibidad nito. Sinundan ito ng mga barko ng PCG hanggang sa tuluyan itong makalabas ng EEZ ng bansa.
📹: PCG
