Naglabas ng show-cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa 19 na kumpanya ng ride-hailing services dahil sa hindi umano pagpapatupad ng aprubadong dagdag-singil sa pamasahe.
Ayon sa LTFRB, ang mga driver sa ilalim ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) ang sumasagot sa gastos sa gasolina at diesel kaya sila ang direktang naaapektuhan kapag hindi naipatutupad ang dagdag-singil.
Inatasan ang mga kumpanya na magpaliwanag kung bakit hindi dapat suspendihin o kanselahin ang kanilang operasyon.
Noong Lunes, itinaas ang pasahe ng TNVS sedan sa ₱65, AUV ay naging ₱75, hatchback ay nasa ₱55, at premium TNVS mula ₱145 nasa ₱165 na.
📷: PNA



