Huli ang isang lalaki sa Barangay Caridad Ibaba, Atimonan, Quezon matapos isilbi ang warrant of arrest laban sa kaniya dahil sa alegasyong pananamantala sa anak ng kaniyang kinakasama, ayon sa Atimonan Municipal Police Station.
Kabilang ang suspek sa Rank 2 Provincial-Level Most Wanted Person. Sasampahan siya ng kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang akusado na kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya. | via Martin Banaag
📷: Atimonan MPS
