Arestado ang isang 28-anyos na lalaki sa buy-bust operation ng Batangas Police sa Barangay Lumbangan, Nasugbu, Batangas.
Nasamsam sa suspek ang iba’t ibang kontrabandong sigarilyo, isang minivan, at iba pang kagamitan na tinatayang nagkakahalaga ng ₱1.02 milyon.
Ayon sa Batangas Police Provincial Office, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 10 at 13 ng Republic Act 10643 o Graphic Health Warnings Law. | via Martin Banaag
📷: Batangas PPO
