Hindi sumang-ayon ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pahayag ng Chinese Embassy na may sovereign rights at jurisdiction umano ang China sa karagatan ng Batanes.
Nagsagawa ng lawful at routine law enforcement operations ang Philippine Coast Guard (PCG) nang matukoy ang Chinese research vessel na JIA HAI KE 7, na nasa humigit-kumulang 37 nautical miles northwest ng Itbayat, Batanes at nasa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ).
Ayon sa DFA, wala umanong pahintulot ang China sa isinasagawang marine scientific research, na kinakailangan sa ilalim ng UNCLOS.
Samantala, iginiit ng Chinese Embassy na may karapatan ang China sa naturang karagatan dahil sa overlapping maritime claims ng dalawang bansa.
Sinabi ng DFA na patuloy nitong ipagtatanggol ang sovereign rights at jurisdiction ng Pilipinas sa EEZ alinsunod sa international law.
📷: Philippine Coast Guard
