Naghahanda ang Department of Migrant Workers (DMW) ng mga kasong kriminal at sibil laban sa dalawang drayber at operator ng bus na nasangkot sa aksidente sa Bavaria, Germany, na ikinasawi ng dalawang Pilipino at ikinasugat ng 31 iba pa.
Ayon sa DMW, nakikipag-ugnayan na sila sa mga awtoridad at abogado sa Germany at Italy upang maisampa ang mga kaso at asikasuhin ang insurance claims para sa mga biktima at kanilang pamilya.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa Germany at kinukuhanan na ng pahayag ang mga nakaligtas sa aksidente.



