Inakusahan ng kampo ni Vice President Sara Duterte si dating Senador Antonio Trillanes IV ng pagre-recycle ng mga alegasyon at pag-iwas sa cross-examination sa impeachment court.
Ayon sa tagapagsalita ng Bise na si Atty. Paolo Panelo, mula pa noong 2016 ay paulit-ulit nang pinalilitaw ni Trillanes ang mga gawa-gawang akusasyon tungkol sa droga, imaginary unexplained wealth, mga walang basehang alegasyon ng korapsyon at "fictional China connections" laban sa pamilya Duterte.



