3 BARKONG TSINO, BINABANTAYAN NG PCG
Patuloy na sinusubaybayan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Chinese research vessel na Jia Hai Ke 7 at dalawa nitong kasamang barko ng China Coast Guard habang papalabas ang mga ito sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas sa Luzon Strait.
Namataan din sa lugar ang tatlong barko ng Taiwan Coast Guard na malapit sa BRP Teresa Magbanua.



