Naglabas ng ruling si Senate impeachment court presiding officer Chiz Escudero kaugnay ng paggamit ng mga ulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Escudero, dapat isaalang-alang ang Section 8-A ng Republic Act 9160 o Anti-Money Laundering Act, ngunit hindi nito nangangahulugang ganap nang immune sa compulsory process ang mga ulat ng AMLC.
Muling iginiit ng abogado ng depensa na si Mark Vinluan na walang itinatago ang Pangalawang Pangulo, ngunit binibigyang-diin na ang impormasyon ay dapat dumaan sa wastong proseso ng beripikasyon alinsunod sa batas at hindi dapat ilathala sa hindi wasto at malisyosong paraan.
Giit pa ng depensa na hindi dapat payagan na mag-testimonya ang witness ng prosekusyon na si AMLC Executive Director Ronel Buenaventura.


