Hinarang umano ng dalawang barko ng China Coast Guard ang operasyon ng mga awtoridad ng Pilipinas laban sa isang dayuhang fishing vessel na pinaghihinalaang gumagamit ng dynamite sa pangingisda sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.
Ayon sa PCG, sinundan at hinarangan ng mga barko ng China ang mga bangka ng Pilipinas. Dahil dito, napilitang itigil ng mga awtoridad ang paghabol sa dayuhang fishing vessel at bumalik sa Pag-asa Island.
📹: PCG / X

