Natagpuan ang bangkay ng nawawalang pasahero ng jeep na tinangay ng malakas na agos sa Paninsingin Spillway, Barangay Colongan, Rosario, Batangas.
Bandang 8:57 ng umaga nitong Linggo, Oktubre 4, namataan ng drone ng Coast Guard District Southern Tagalog ang bangkay sa ilog, tatlong kilometro mula sa pinangyarihan ng insidente. Agad itong narekober ng mga awtoridad.
Nahanap na rin ng pulisya ang bangkay ng kasama ng biktima ngayong Lunes ng umaga, Oktubre 5. Nakaligtas naman ang 11 katao sa 13 na sakay ng jeepney. | via Emmar Dela Vega
📷: Councilor Joey Galicha/Batangas Coast Guard


