Umapela si defense counsel Atty. Mark Vinluan sa pagharap ni AMLC Executive Director Ronel Buenaventura sa impeachment trial dahil umano sa paglabag sa confidentiality clause ng Anti-Money Laundering Act (AMLA).
Ayon kay Atty. Vinluan, dapat dumaan sa tamang beripikasyon ang mga datos alinsunod sa batas at hindi basta isapubliko dahil maaari umanong gamitin ito sa pamumulitika.
Nagbabala rin siya na maaaring maging precedent ito sa pagsisiwalat ng confidential documents ng ibang opisyal ng pamahalaan.


