Pinabulaanan ni Presiding Officer Sen. Francis Escudero ang pahayag ng spokesperson ng impeachment court na si Atty. Reginald Tongol na maaaring magkaroon ng pinal na desisyon sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Disyembre 16.
Ito ay matapos kwestiyunin ni Senator-judge Raffy Tulfo ang naturang pahayag at tawagin itong “fake news.”
Sinabi ni Tulfo na maaaring panahon na para pagsabihan o paalalahanan ang spokesperson dahil ilang beses na umano itong nagkamali sa mga inilalabas na impormasyon.


