Natagpuan ang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki sa driver's seat ng isang nakaparadang itim na SUV sa bahagi ng KM 3, Bakakeng Central, Marcos Highway, Baguio City ngayong Lunes ng umaga, Oktubre 5.
Â
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, may tama umano ng bala sa katawan ng biktima at bakas ng dugo sa ulo.
Â
Narekober din ang isang 9mm Armscor pistol na nakapatong sa tiyan ng biktima na isinailalim sa dokumentasyon bilang posibleng ebidensya.
Â
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima. | via Freddie Rulloda
Â
đź“·: Noveh Organo



