Arestado ang isang pasahero matapos umanong magbiro tungkol sa bomba habang nasa isang pampasaherong eroplano sa Daniel Z. Romualdez Airport sa Tacloban, Leyte nitong Huwebes.
Â
Nagdulot ng takot sa mga pasahero ang kaniyang sinabi kaya pinababa ang lahat ng sakay at sinuri ang kanilang mga hand-carry bag.
Â
Matapos ang security check, idineklarang ligtas ang paliparan at walang nakitang bomba o delikadong bagay. Dinala naman sa kustodiya ng Tacloban Airport ang pasahero.
Â
đź“·: PNP AVSEGROUP


