Iginiit ni Senator-judge Alan Peter Cayetano na hindi dapat isantabi o baluktutin ang batas sa impeachment proceedings, kasabay ng panawagan na protektahan ang Konstitusyon at umiiral na batas.
Ayon kay Cayetano, batay sa kaniyang karanasan kasama ang ilang senador sa mga nakaraang impeachment proceedings, may iisang prinsipyo silang sinusunod—huwag baluktutin ang batas, dahil mas mahalaga aniya ang pagprotekta sa Konstitusyon.


