Iginiit ng defense team ni Vice President Sara Duterte na walang patunay na direktang nag-uugnay sa milyun-milyong pisong transaksyon sa mga bank account ng bise presidente at sa account ng kaniyang asawang si Atty. Manases Carpio na ang pondo ay galing sa gobyerno ng China.
Binigyang-diin ng kampo ng bise presidente na ang pagkakaroon ng mga naitalang transaksyon ay hindi nangangahulugang direktang napunta ang pera sa Pangalawang Pangulo at sa kaniyang asawa.
Dagdag pa nila, ang suspicious transaction report ay bahagi ng compliance requirement at hindi awtomatikong nangangahulugang ilegal ang isang transaksyon.
