Nasawi ang isang 28-anyos na laboratory worker sa isang plague research institute sa Siberia, Russia, na nagresulta sa pansamantalang quarantine ng 200 katao.
Kinilala ng Russian media ang biktima na si Darya Shipilova, 28, na nagtatrabaho sa Irkutsk Anti-Plague Research Institute of Siberia and the Far East.
Ayon sa mga awtoridad, hindi pa matukoy ang uri ng pneumonia na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may kaugnayan sa kaniyang trabaho o sa plague ang insidente. Wala rin umanong nakitang pathogen sa mga taong kaniyang nakasalamuha.
📷: Reuters



