Nasawi ang dalawang lalaki matapos tambangan at pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek habang sakay ng motorsiklo sa isang liblib na kalsada sa Barangay Marang, Sumisip, Basilan.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima bilang mga residente ng naturang lugar. Magkaangkas ang dalawa at patungo sana sa kalapit na barangay nang pagbabarilin umano sila.
Idineklarang dead on arrival sa ospital ang mga biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Naglunsad na ng hot pursuit operation ang pulisya upang matukoy at maaresto ang mga suspek. Patuloy ang imbestigasyon sa motibo sa krimen.
📍 via Ely Dumaboc, Radio Agila
📷: PRO-BAR
