Thu, Oct 8Thursday, October 8, 2026
NET25 Logo
  • NEWS
  • ENTERTAINMENT
  • OPINION
RADYO AGILAEAGLE FM 95.5
    • News
    • Entertainment
    • Opinion
    • Radyo Agila
    • Eagle FM 95.5
    • Program Schedule
    • About Us
    • Profiles
    • Contact Us
    • Privacy Policy
    • Sales
    • Job Application
  • CONNECT WITH US
NET25 Logo

Your source for news, entertainment, and the best of Philippine broadcasting.

Connect With Us

About

  • About Us
  • Profiles
  • Contact Us
  • Privacy Policy

Contact

  • Contact Sales
  • Job Application

Partners

    © 2026 NET25. All rights reserved.UTC
    ← OpinionNext column →
    NM

    Nelson M. Lubao

    Columnist · NET25

    BAWAL NA BANG SUMIGAW NG MAGNANAKAW?

    Kapag may sumigaw ng "magnanakaw," ang natural na reaksyon ay habulin ang magnanakaw. Pero bakit nang sumigaw si Vice Mayor Harold Respicio, siya pa ang gustong paimbestigahan? Alamin sa editorial ni Nelson Lubao.

    October 08, 20262 min read

    Noong unang panahon, 'pag nakita mong may pumasok na magnanakaw sa bahay, agad tayong sumisigaw ng "MAGNANAKAW, MAGNANAKAW!"

    Pero sa panahon ngayon, parang bawal na palang gawin 'yon?

    Kasi ngayon, kapag nahuli mo ang magnanakaw at napasigaw ka, baka ikaw pa ang makasuhan at makulong.

    Ganyan na ganyan ang eksenang nangyari sa pagitan ni DILG Secretary Jonvic Remulla at Reina Mercedes, Isabela Vice Mayor Atty. Harold Respicio.

    Nanggigil si VM Respicio sa gitna ng sesyon ng Sangguniang Bayan dahil kinukuwestiyon niya ang diumano'y kinurakot na P5-milyong pondo mula sa Tobacco Excise Tax na para sana sa mga magsasaka.

    Sa sobrang inis at matinding tensyon sa harap ng mga kapitan, napasigaw ang bise alkalde.

    Pero ano ang nakita ng DILG? Hindi 'yung P5 milyon na nawawala, kundi 'yung bise alkalde na nagtaas ng boses. Imbes na ipaimbestigahan agad ang ugat ng problema—ang nawawalang pera ng bayan—ang unang reaksyon ni Sec. Remulla: "Gusto ko i-drug test muna, tingin ko talaga adik. Parang nakasinghot kung umasta."

    Pumayag naman agad si Respicio na magpa-blood test para patunayang hindi siya adik.

    Subalit sa pangyayaring ito, mukhang may malinaw na pattern na ngayon pagdating sa mga isyu ng katiwalian.

    Kapag may sumisigaw ng korapsyon, ang unang instinct ng gobyerno ay atakehin ang mensahero at ibaon ang mensahe.

    Advertisement

    Sponsored placement

    Tingnan na lang ang nangyari kay Orly Guteza nang humarap siya sa Senado para ibunyag ang bilyun-bilyong iregularidad sa mga flood control projects.

    Imbes na habulin kung saan nagpunta ang bilyones, mas naging abala pa ang mga nag-iimbestiga sa paghahanap ng butas sa notaryo ng kaniyang sinumpaang salaysay.

    Ganoon din sa 18 na mga dating sundalo at marines na lumantad para sabihing nag-eskort sila ng mga maleta ng kickback para sa mga matataas na opisyal.

    Bago pa man magkaroon ng seryosong imbestigasyon sa mga suhol, inulan na agad sila ng kasong oral defamation at binusisi ang kanilang mga military records para hanapan ng dumi.

    Ang unang impulse ay laging depensahan ang inirereklamo at patahimikin ang nagrereklamo.

    At ang latest ay ang warrant of arrest ni Cong. Leandro Leviste, na una pang lumabas kaysa sa mga congressman na isinasangkot niya sa pagnanakaw sa bilyon-bilyong pisong pondo ng flood control projects, batay sa hawak niyang tinaguriang Cabral Files.

    Sino ba talaga ang nasasaktan kapag may lumalabas na isyu ng pagnanakaw sa kaban ng bayan? Sino ang umaaray?

    Kaya sa susunod na may pumasok na magnanakaw sa bahay, mag-isip-isip muna bago sumigaw.

    Baka kailangan mo munang pumasa sa drug test, magpakita ng malinis na record, at ipa-notaryo ang lalamunan bago ka magalit at sumigaw ng MAGNANAKAW!

    Was this worth reading?
    Share

    Reader comments

    Comments are closed for this article.

    No comments yet.

    NM

    Nelson M. Lubao

    Columnist · NET25

    The views expressed are the author’s own.

    Keep reading

    Next columnThe plague scare: What if we call it “just the flu”?By Rikki MathayTaylor Swift, a Russian laboratory worker, and a plague scare—boom, a conspiracy theory. But what does the evidence show? Read Rikki Mathay’s latest Between the Headlines column on NET25 about science, speculation, and public health readiness.→

    More voices in Opinion

    Kaya bang tawaran ang buhay?Caesar Vallejos·Oct 06→The flydubai attack: The politicization of empathyRikki Mathay·Oct 04→The Visayas is not a rounding errorRikki Mathay·Sep 27→FROM BULLETS TO BALLOTSRikki Mathay·Sep 19→DUDA SA DRAMALaila Tumanan·Sep 14→
    ←NET25 Opinion