Nagbiro si presiding officer Sen. Chiz Escudero na hindi siya uurong sa hamon na umuwi nang maaga.
“HUWAG NILA AKONG HAMUNING UMUWI NANG MAAGA, HINDI KO SILA AATRASAN,” biro ni Escudero.
Sinabi ni Escudero na sa kanilang pag-uusap ng senator-judges ay biniro niya ang mga ito na huwag siyang hamuning umuwi nang maaga habang pinagdedebatehan ang kahilingan ng prosecution na baguhin ang pagkakasunod ng mga testigo at pagtutol dito ng depensa.

