Sinabi ni Presiding Officer Sen. Francis Escudero na magsasagawa ng session ang Senado mamayang 1 p.m.
Magpapatuloy naman ang impeachment trial bandang 2:30 p.m. o 3 p.m. para sa presentasyon ng testigo mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Kung hindi pa rin makakadalo si Atty. Erwin Matib at walang ibang abogado ng prosecution na maaaring mag-cross-examine, sususpendihin ang paglilitis ngayong araw.


