Iginiit ni lead defense counsel Atty. Sheila Sison na hindi dapat makaapekto sa pagdinig ng impeachment trial ang personal na karamdaman gaya ng pagkakasakit.
Ayon kay Sison, marami rin umano sa depensa ang hindi mabuti ang pakiramdam ngunit pinili nilang dumalo bilang bahagi ng kanilang gampanin matapos sabihin ni Rep. Terry Ridon na hindi kayang hulaan ang pagkakasakit.
“Obviously, illness is not something that any person can actually predict, is it not?” ani Ridon.
“Marami rin po sa amin who feel unwell, but nandirito kami sapagkat may trabahong kailangang tapusin at ayaw naming manghimasok ang madadamang sa aming personal circumstances ang korte at ’yung inaasahan ng taong-bayan na makukuha sa paglilitis na ito,” ayon kay Sison.
Ito ay kasunod ng hindi pagdalo ni Atty. Erwin Matib ng prosecution, na nakatakdang magharap ng testigo mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Sa ika-36 na araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hiniling ng prosecution na unahing iharap ang forensic financial analyst, ngunit tinutulan ito ng depensa at ng mga senador-hukom.


